Saturday, January 17, 2015

Friendship

Ano ang mga kaibigan natin? Ano natin sila?



Para natin silang mga kapatid na laging kasama natin. Andyan sila patawanin tayo at maging panyo sa bawat luhang pumapatak sa mga mata natin. Tears of joy man 'yan o ano man.



Laging nila tayong binubungangaan kapag nababaliw na tayo. Parang daig pa nila ang mga nanay natin.


Kung makahanap ka man ng kaibigang nagbubunganga sa'yo, pakiinggatan mo. Aaminin ko, hindi ako tulad ng iba diyan na, magaling mag-comfort. Di ako sanay dahil ako 'yung laging pinapatahan nila. Kaya pag umiiyak sila, di ko alam ang gagawin ko o sasabihin ko. Ang sinasabi ko lang




"Tahan na friend. Sayang ganda mo niyan. Sige ka papangit ka"




Lahat gawin mo para sa kaibigan mo. Magmukha kang tanga. Basta iparamdam mo lang sa kanya na 'hindi mo siya iiwan'.

Bakit ba may kaibigan pa?



Andyan siya para sumakay sa mga jokes mo at sa mga gimik mo. Nakikitawa kahit wala namang nakakatawa sa mga jokes mo. Halos maibato na nila yung mga hawak nila para tumigil ka sa kakornihan mo.

Hindi nila sinasabi sa'yo na nababanas sila sa'yo kasi ayaw nilang iparamdam na wala kang kwenta.

Habang tumatagal, konting matitinong kaibigan nalang ang natitira. Yung dumadami tinatawag na nilang, PLASTIK.

Walang plastik na kaibigan... Siya, kumokopya lang ng assignment sa'yo tapos sasamahan ka kung nagpapasama ka sa kanya at IKAW naman, tinawag mo nang kaibigan.

Syempre, pumayag na siya sa'yo.

Pag sumama na siya sa iba, tinatawag mo nang PLASTIK.

Hindi naman kasi pwedeng sa'yo lang siya nakakulong.

Halimbawa : Kung makautos ka para ka namang prinsesa di'ba?

Siguro dahil din doon kaya ka iniwan. Kasalanan mo rin.





Itutuloy...

No comments:

Post a Comment